Maaaring nagkataon lamang na ang mga mahihirap na Pilipino ang kadalasang nasasawi sa pinaigting na kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ito’y ayon kay DDB o Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago ay dahil sa pawang ang marginalized sector aniya ang target ng mga sindikato ng droga sa bansa.
Ginawa ni Santiago ang pahayag nang palagan nito ang mga puna na anti-poor umano ang kampaniya ng administrasyon kontra sa ipinagbabawal na gamot.
Kasunod nito, iginiit ni Santiago ang pagkakaroon ng dagdag na media exposure ng mga ikinakasang operasyon kontra droga ng administrasyon upang mas mabigyang kamalayan ang publiko hinggil sa masamang epekto ng droga sa tao at lipunan.
By Jaymark Dagala
SMW:RPE