Ipinauubaya na ng Malakanyang sa NBI o National Bureau of Investigation ang pagpapasiya kung igigiit ang pagkuha sa kustodiya ng dalawang testigo sa pagpaslang sa binatilyong si Kian Loyd Delos Santos na hawak naman ni Senador Risa Hontiveroz.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nasa pagpapasiya na ng Department of Justice (DOJ) at NBI kung kakailanganin pa nila ng dagdag na mga witness para sa pag-usad ng kaso ni Kian.
Aniya, kung ibabatay sa naging pahayag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta, sapat na ang kanilang hawak na testigo para sa pagsusulong ng naturang kaso.
Hindi naman nagkomento ang Palasyo kung ano ang magiging implikasyon ng pakikipagkita ng mga magulang ni Kian Loyd kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga grupong ginamit ang pagkamatay ng binatilyo para magkilos protesta laban sa kampanya kontra droga ng pamahalaan