Kailangan umano ng higit sa apat na libong Pisong dagdag kada buwan sa minimum wage ng mga manggagawa upang mabuhay nang maayos.
Ayon kay associated labor unions spokesperson Alan Tanjusay, kailangan ng dagdag na higit sa apat na libong Piso ng mga mangagawa sa NCR habang anim na libong Piso naman para sa mga manggagawa sa labas ng Metro Manila.
Ito, aniya, ay upang makatawid sa tinatawag na poverty level.
Batay sa mga datos ng food and nutrition research institute, national economic and development authority, at Philippine statistics authority, P. 12,517.00 kada buwan ang pambansang batayan para sa isang maayos na pamumuhay ng isang pamilya na may limang miyembro.
By: Avee Devierte