Ibinabala ng isang mambabatas sa Amerika ang posibilidad na dagdagan pa ng China ang aksyon nito laban sa Pilipinas.
Ito’y sa sandaling hindi pumabor sa Beijing ang desisyon ng International Arbitral Court kaugnay sa inihaing protesta ng Pilipinas na may kinalaman sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay US Senator Bob Corker, Chairman ng US Senate Foreign Relations Committee, mas mainam na dagdagan pa ng ginagawang pagpapatrolya ng amerika sa pinag-aagawang teritoryo.
Bagama’t aminado ang senador na hindi nito mapipigilan ang ginagawang reclamation ng China sa mga artipisyal na isla, makatutulong naman ito para pahupain ang tensyon sa pagitan ng China at ng mga bansang umaangkin din sa naturang karagatan.
By Jaymark Dagala