Iminungkahi ng PNP-Highway Patrol Group o PNP-HPG ang pagdaragdag ng mga parking space sa mga business center sa Metro Manila upang maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay PNP-HPG Director Chief Supt. Arnold Gunnacao, dahil walang sapat na bilang ng mga parking lot ay nagpapaikot-ikot ang mga motorista hanggang sa makahanap ng garahe dahilan upang hindi mabawasan ang mga sasakyan sa mga lansangan.
Inihalimbawa ni Gunnacao ang sitwasyon sa Buendia Avenue at Ortigas Avenue kung saan naiipon ang mga sasakyan sa EDSA tuwing rush hour ng umaga dahil hindi agad nakakahanap ng mga parking space ang mga motorista.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal