Malaya ang papasok na Ika-labing pitong Kongreso na isulong ang naunsyaming Dalawanlibong Pisong dagdag pensyon sa mga retiradong miyembro ng Social Security System o SSS
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, karapatan ng mga mambabatas na maghain ng panibagong panukala para taasan ang nakukuha ng mga SSS pensioners
Uubra pa rin naman aniyang isulong ang nasabing panukala ng susunod na Kongreso sa sandaling mabigo ang kasalukuyang kongreso na i-over ride ang panukalang na-veto ni Pangulong Noynoy Aquino
Mismong ang papasok na Adminsitrasyong Duterte ang nagsabing kanilang isusulong ang dagdag pensyon sa mga SSS retirees
Ngunit ayon kay Coloma, tiyak aniyang kakailanganin ng panibagong batas kung isusulong ito sa bagong kongreso
By: Jaymark Dagala