Tiniyak ni Senadora Cynthia Villar na agad niyang isusumite sa pagbubukas ng 17th congress ang panukalang Dalawang Libong Pisong dagdag sa pensyon ng mga SSS pensioner.
Tiwala si Villar na sa pagkakataong ito, hindi na mavi-veto ang nasabing panukala dahil mismong si incoming President Rodrigo Duterte ang nagsabing aaprubahan niya ito.
Ikinatuwa ni Villar na, ngayon pa lamang, nagsabi na si Duterte na suportado niya ang dagdag na Dalawang Libong Piso sa pensyon ng mga retiradong miyembro ng SSS.
Nagbigay, aniya, ito ng pag-asa sa mga SSS pensioner dahil matagal na nilang inaasam na madagdagan ang natatanggap nilang buwanang pensyon dahil malaking tulong iyon sa kanilang pang-araw-araw na gastusin
By: Avee Deviete