Pinamamadali ng isang mambabatas ang pagpapatupad sa dagdag na pensiyon ng mga Indigent senior citizens sa bansa.
Humiling si Senior Citizen party-list representative Rodolfo Ordanes matapos magkaroon ng lapse into law ang Republic Act 11916.
Ayon kay Ordanes, dapat alisin na ang Red tape at technical delay para mas mapabilis ang paglalabas ng pondo para sa nasabing pensyon.
Sa ilalim ng panukala, mula sa kasalukuyang P500 ay itataas na sa P1,000 ang pensiyon ng mga Indigent senior citizen na makakatulong sa pambili ng kanilang pangangailangan gaya ng pagkain at gamot.
Umaasa ang mambabatas, na sa pagitan ng buwan ng Setyembre at Oktubre, mailalabas na ang pondo lalo’t kailangan ng mga matatanda ang pera bunsod ng nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.