Hiniling ng isang mambabatas sa pamahalaan na dagdagan ang pondo para sa rehabilitasyon sa Dinagat Islands matapos manalanta ang bagyong Odette.
Nabatid na umapela si Dinagat Islands Rep. Alan Ecleo sa House Committee on Appropriations kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang House Resolution 2464 na humihiling ng karagdagang 9.4 billion na budget augmentation para sa reconstruction at rehabilitation ng kanilang distrito.
Gagamitin ang pondo para sa mga nasirang bahay, pananim, edukasyon at maiwasan ang “failure of election” bunsod ng mga nasirang imprastraktura.
Ang Dinagat Islands ay isa sa mga probinsyang lubhang napinsala ng bagyong Odette kung saan, aabot sa 37,033 na pamilya ang apektado ng kalamidad matapos masira ang 16,000 na mga tirahan at 85% ng mga paaralan naman ang nasira. —sa panulat ni Angelica Doctolero