Magde-deploy ng dagdag na puwersa ang gobyerno para sa isinusulong na huling sigwada ng pakikipagbakbakan sa Marawi City.
Inamin ni Lt. General Carlito Galvez, Commander ng Western Mindanao Command ang inasaahang nilang madugong final assault sa main battle zone ng lungsod.
Ngayong araw na ito ay tila bagong taon o New Year ang sitwasyon sa Marawi City dahil sa walang tigil na ground at air assaults ng militar sa lungsod.
Ipinabatid ni Galvez na naisapinal na nila ang strategy para sa tinaguriang final push na tatapos sa gulo sa Marawi City.
By Judith Larino