Darating na anumang araw ang dagdag na puwersa ng militar sa Marawi City para lumaban din sa Maute Group.
Ipinabatid ni Western Mindanao Command Chief Lt. General Carlito Galvez na 60 hanggang 80 sundalo na bihasa sa Giyera ang darating sa Marawi at kaagad sasabak sa main battle area.
Sinabi ni Galvez na nais lamang nilang matiyak na hindi makakalabas ng Marawi City ang Maute Group sa huling bugso ng opensiba ng militar kayat nagdagdag ng tropa.
Gayunman inihayag ni Galvez na hindi sila magpapa-kampante dahil naniniwala sila sa natitirang patibong ng Maute Group.
Kasabay nito muling inihayag ni Galvez ang pagpapaabot sa kanila ng ilang miyembro ng Maute na nais sumuko sa gobyerno.
SMW: RPE