Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa na ang mga kaso ng ATM fraud at credit card skimming sa bansa.
Ito’y sa sandaling maipatupad na ang paglalagay ng EMV chips sa mga ATM cards simula sa Enero ng susunod na taon.
Kasunod nito, inihayag ni BSP Deputy Gov./Gen. Nestor espenilla jr na kanilang ikinakasa ang pagpapatupad ng dagdag na regulasyon para obligahin ang mga bangko na higpitan pa ang kanilang seguridad
Aniya, ito’y dahil sa patuloy na pag-atake ng mga cybercriminals sa mga financial institutions sa buong mundo.
Naksaad aniya sa plano ang kanilang komprehensibong pagrepaso noong 2014 kung saan, sinasabing bantad sa cyberattacks ang mga bangko sa bansa.
By Jaymark Dagala