Pursigido ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na isulong ang mga hakbangin para maprotektahan ang mga prosecutor laban sa mga tangkang pagpatay sa mga ito.
Kasunod na rin ito nang pag-ambush at pagpatay kay Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados sa Quirino Avenue, Maynila pasado 11 a.m. ng umaga kahapon.
Sinabi sa DWIZ ni VACC President Arsenio Boy Evangelista na panahon na para armasan ang mga prosecutor, bigyan ng security at hazard pay, bawasan ang kanilang load sa paghawak ng mga kaso at ipasok sa death penalty ang mga ganitong kaso.
Halos pareho aniya ang mga detalye nang pagkaka ambush kay Senados sa lahat ng mga pinaslang na prosecutors na ang pinakahuli ay si Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.
Kita natin dito, similar ‘yung pattern sinandwich (ginitgit) high-power of firearms I believe M16 o M14 para masira ‘yung mukha or physically ni prosecutor nakakalungkot at nakakatakot talaga. Despite of na marami ‘yung checkpoints ngayon, ‘yung police disability but still they can do that. In fact makikita sana ‘yung magiimbestiga dito na ilan ‘yung players dito. I believe based on the CCTV na dalawa ang vehicle ang involve dito sinandwich (ginitgit) tapos M16 pa ang ginamit —panayam sa Ratsada Balita