Target ng PHILHEALTH na makakuha pa ng dagdag na service providers sa ilalim ng Konsultasyong Sulit at Tama (KONSULTA) package sa susunod na taon.
Ito ayon kay PHILHEALTH Corporate Communications Department Senior Manager Rey Balenia ay para matutukan nila ang ikinakasang isang pasilidad sa kada 20K katao.
Sinabi ni Balenia na sa taong ito ay nasa mahigit 2,000 KONSULTA Providers ang na accredit ng PHILHEALTH subalit kailangan pa ng dagdag na pasilidad para magamot ang mga Pilipino.
Una nang inihayag ng PHILHEALTH na ang application para sa KONSULTA Accreditation ay bukas sa non hospital facilities tulad ng rural health units, ambulatory surgical clinics at infirmaries samantalang hinihimok na ma accredit din sa programa ang mga nasa Level 1, 2 at 3 na public at private hospitals.