Hiniling ng Bayan Muna sa Korte Suprema na atasan nito ang Department of Transportation o DOTr na i-refund sa commuters ang idinagdag nila sa presyo ng pamasahe sa MRT – 3 noong 2015.
Naghain ng motion to resolve ang Bayan Muna upang buhayin ang petisyon nila noong 2015 sa Korte Suprema na humihiling na ibasura ang pagtaas ng singil sa pasahe ng MRT – 3.
Binigyang – diin ng Bayan Muna na hindi sulit ang mula P20.00 hanggang P30.00 pagtaas sa pasahe sa MRT simula noong 2015 dahil bigo ang DOTr na ayusin ang serbisyo nito kaya’t nararapat lamang na i-refund ito sa mananakay.
Matatandaang nagbitiw na sa puwesto si DOTr Undersecretary for Rails Cesar Chavez.
Inanunsyo ni Chavez kaninang umaga ang paghahain niya ng irrevocable resignation.
Ito ay sa gitna ng hindi matapos – tapos na problema at aberya sa Metro Rail Transit o MRT- Line 3 na kamakailan lamang ay muling nabatikos ng publiko.