Target ng SSS o Social Security System na maibigay na ang unang 1,000 pisong dagdag sa pension ng mga SSS retirees sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, nangangamba silang maapektuhan ang pondo ng SSS kayat nagpasya silang ipatupad ng buo ang 2,000 increase sa 2020.
Bahagi ng pahayag ni SSS Chairman Amado Valdez
Kasabay nito, hinikayat ni Valdez ang Kongreso na gumawa na lamang ng resolusyon para sa 2,000 increase sa pensyon ng SSS retirees sa halip na isang batas.
Ayon kay Valdez, puwedeng makuwestyon sa korte kung gagawin itong batas ng Kongreso dahil itinuturing na pribadong pondo ang pera ng SSS.
Matatandaan na mayroon na ring pumasang batas para sa dagdag na pensyon para sa SSS retirees subalit vi-neto ito ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Bahagi ng pahayag ni SSS Chairman Amado Valdez
By Len Aguirre | Ratsada Balita