Karagdagang 700 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group (HPG) ang ipapakalat sa ilang pangunahing lansangan ng kalakhang Maynila partikular sa EDSA dahil na rin sa mas lumalang trapik.
Nabatid kay MMDA Traffic Discipline Office Director Atty. Crisanto Saruca, ang PNP Highway Patrol Group ay magtatalaga ng dagdag na 200 tauhan nito habang 450 tauhan mula sa MMDA.
Tuwing holiday season ay tumataas sa 25 porsyento ang traffic volume dahil na rin sa dagsa ng mga sasakyan lumuluwas mula probinsya para mamili sa Maynila.
Sinabi ni Saruca na kawalan pa rin ng disiplina ng mga motorista at pedestrians ang isa pa rin sa pinag-uugatan ng trapik sa kalsada.
Malaking tulong umano sa problema ng trapiko ang disiplina at pagsunod ng batas trapiko ng mga motorista at pedestrians.
By Mariboy Ysibido