Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang dagdag na testimonya ng Office of the Solicitor General (SolGen) sa paunang imbestigasyon ng sedition complaint laban kay Vice President Leni Robredo at 32 iba pa.
Una nang naghain ng mosyon si Assistant Solicitor General Angelita Miranda na magdagdag ng tatlo (3) pang saksi dahil lampas na ito sa deadline na nuong nakalipas na buwan pa. Pinaalalahanan naman ni Assistant State Prosecutor Gino Santiago ang OSG na ang sedition charge ay pawang base lamang sa testimonya ni Peter Joemel Advincula alias ‘Bikoy’ at malapit nang makumpleto.
Isinusulong ng OSG na tawagin sa korte si Atty Jude Sabio, dating whistleblower Guillermina Arcillas na nagsampa ng kaso laban kina dating Senador Antonio Trillanes IV at Perfecto Tagalog na nagsabing sinubukan ni Trillanes na i-ugnay siya kay Presidential son Congressman Paolo Duterte sa rice smuggling.