Karagdagang 27 billion peso budget ang inihirit ng Department of Health (DOH) para sa hindi pa naibibigay na Health Emergency Allowance (HEA) ng mga healthcare worker.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, lumiham na sila sa Department of Budget and Management (DBM) upang humiling ng karagdagang pondo.
Umaasa anya silang matatanggap na ng mga health workers ang kanilang dagdag na allowance bago mag-pasko.
Hanggang nitong Oktubre, aabot na sa 11.5 billion pesos ang natanggap ng DOH para sa allowance ng mahigit isa punto anim na milyong health care workers simula Enero hanggang Hunyo. - sa panulat ni Hannah Oledan