Epektibo na ang dagdag na P40 na minimum wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region.
Matatandaang naglabas ng Wage Order no. NCR-24 ang regional wage board noong Hunyo 26, para sa pagtaas ng arawang minimum na sahod.
Dahil dito, aabot na sa P610 mula sa P570 ang daily minimum wage rate sa rehiyon.
Ayon sa Department of Labor of Employment, tinatayang nasa 1.1 milyong minimum wage workers sa Metro Manila ang makikinabang sa inaprubahang umento sa sahod.