Hindi pa epektibo ang ipinatupad na dagdag-pasahe sa mga Public Utility Vehicles (PUV).
Ito ang inamin ni Orlando Marquez, Presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) kasabay ng pagsisimula ng implementasyon ng taas-pasahe ngayong araw.
Ayon kay Marquez, wala pang natatanggap na fare matrix ang karamihan sa mga Public Utility Jeepneys (PUJ) sa Metro Manila na basehan kung maniningil na ng karagdagang pasahe.
Sa susunod na linggo pa aniya ito posibleng dumating na matatanggap ng kanilang 70 hanggang 80% na miyembro.
Nabatid na batay sa datos ng LTFRB Central Office, 463 fare matrix pa lamang mula sa target na 39,211 sasakyan ang naipalabas.
Hirit naman Nizaldy Ping-Ay na Presidente ng Stop&Go Coalition na gawing simple angmga requirement sa pag-a-apply para sa fare matrix upang pabilisin ito.
Mababatid na hinikayat ng LTFRB ang mga PUV operator na mag-apply para sa fare matrices nang maaga upang maiwasan ang near-deadline rush. – sa panulat ni Hannah Oledan