Muling inihirit ng mga Transport Group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ibalik sa Syete Singkwenta ang pasahe sa jeep.
Sa petisyon ng mga grupong ACTO, ATODAP, FEJODAP at LTOP, iginiit ng mga ito na tumaas na ng higit sa Sais pesos kada litro ang presyo ng diesel kaya’t dapat lamang na magpatupad muli ng fare hike.
Makatutulong anila na dagdagan ng Singkwenta Sentimos ang pasahe upang marekober ng mga jeepney operator ang kanilang arawang operational cost.
By: Drew Nacino