Posibleng humirit ng dagdag-pasahe ang mga transport group bunsod ng serye ng oil price increase sa nakalipas na anim na linggo.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, sa oras na tumaas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ay mapipilitan silang humiling ng fare increase.
Hindi na anya nila kakayanin ang lumalaki nilang gastos sa krudo kaya’t umaapela rin sila ng pang-unawa mula sa mga mananakay.
Kahapon ay muling inilarga ng mga kumpanya ng langis ang ika-6 na sunod na linggong dagdag presyo sa kanilang mga produkto na aabot na sa halos P6 sa diesel, P4 sa gasolina at P5 sa Kerosene.
Handa naman liga ng transportasyon at operators sa Pilipinas at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines na makipag-dayalogo sa gobyerno kung paano matutulungan ang kanilang sektor.—sa panulat ni Drew Nacino