Pormal nang inihain kahapon ng iba’t ibang jeepney organization ang petisyon para sa P3 dagdag singil sa pasahe sa jeep.
Sa isinumiteng petisyon ng Pasang Masda, Fejodap, Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO, Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinaso o LTOP at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines o ALTODAP sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Central Office, iginiit nila na lumobo na rin ang kanilang mga nagagastos at taong 2018 pa anila napagbigyan ang taas-pasahe.
Kapag naaprupahan ay magiging P12 na ang minimum na singil sa pasahe.
Sinabi naman ni Pasang Masda President Obet Martin na handa silang bawiin ang petisyon kung magbibigay ng sapat na subsidiya ang gobyerno sa kanilang sektor.
Una nang sinabi ni LTFRB Executive Director Joel Bolano na pag-aaralan ng board ang petisyon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico