Nilinaw ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na hindi pa pinal ang inaprubahang dagdag-pasahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa LRT lines 1 at 2.
Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, kailangan munang aprubahan ng iba pang miyembro ng LRTA board, kung saan kabilang ang LTFRB, ang petisyon na fare increase.
Hindi pa anya matatapos sa board ang pagdedesisyon sa dagdag-pasahe dahil daraan pa ito sa mabusising proseso.
Binigyang-diin ni Cabrera na isa rin sa pinaka-mahalagang proseso ay ang pagsasagawa ng public hearing bago tuluyang aprubahan ang fare hike sa lines 1 at 2.