Welcome sa ilang grupo ng operators at jeepney ang pag-apruba ng LTFRB, sa petisyong taas-pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ito ay matapos itaas ng LTFRB sa P 12.00 ang minimum fare sa mga traditional na dyip, P 14.00 sa modern jeepneys; P 13.00 sa mga ordinary city bus; P 15.00 sa mga air-conditioned city bus; P 45.00 sa mga taxi at SEDAN-type TNVS; at P 55.00 sa mga AUV/SUV-type TNVS.
Ayon kay Obet Martin, Presidente ng pasang masda, makatutulong ang desisyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Nagpaalala naman si Martin sa kanilang mga miyembro na hindi pa maaaring ipatupad ang fare hike, dahil hihintayin pa ang opisyal na fare matrix.
Maliban sa pasang masda, nakukulangan naman ang Liga Ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa inaprubahang taas-pasahe.
Giit ni Orlando Marquez, Presidente ng LTOP, imbes na itaas sa dose, dapat ay disisais ang maging minimum fare na pamasahe sa mga dyip.