Magkakaroon ng 0.3 percentage points na epekto sa inflation kung ipatutupad ng pamahalaan ang fare hike sa Public Utility Vehicles sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng oil products.
Ito ang inamin ng National Economic And Development Authority (NEDA) sa isinagawang house fuel ad Hoc committee hearing.
Sa naturang pagdinig, tinanong ni economic affairs panel chairperson Sharon Garin kung ano ang magiging epekto sa ekonomiya kung pakikinggan ng pamahalaan ang hirit na taas-pasahe sa mga PUV, lalo sa jeep.
Ayon kay NEDA undersecretary Rosemarie Edillon, tiyak na mayroong epekto sa inflation ang fare increase at maliban sa hiling na taas-singil sa pamasahe, tinitingnan din nila ang iba pang magdudulot ng inflation.
Sakali anyang pagbigyan ang fare hike, maaaring masundan ito ng hirit na taas-sahod na magkakaroon naman ng malaking epekto sa ekonomiya.