Walang pondo sa ilalim ng panukalang P5.268 Trillion National Budget para sa taong 2023 ang P500 na dagdag sa Social Pension ng Indigent o mahirap na Senior citizens.
Ito ang inamin ni Budget and Management secretary Tina Rose Marie Canda matapos isumite ang proposed national budget sa kamara kahapon.
Ayon kay Canda, kailangan ng P24.5 Billion na karagdagang pondo para maitaas sa P1, 000 ang buwanang pensyon ng mga lolo’t lola mula sa kasalukuyang P500.
Hindi pa anya matukoy kung saan huhugutin ang pondo para sa dagdag-pensyon.
Sa kabila nito, tiniyak ng Kalihim na makikipag-ugnayan ang DBM sa mababang kapulungan ng Kongreso para maremedyuhan ang budget sa social pension.