Kailangan ng dagdag pondo para sa mga atletang Pinoy na nagrerepresenta sa Olympics upang marami ang makapag-uwi ng medalya sa bansa.
Ito ay ayon kay Abraham Bambol Tolentino, head of the Philippine Olympic Committee (POC), nanghihingi na lamang sila ng pondo sa mga private companies at national government.
Dagdag ni Tolentino na sa ibang bansa ay malaki ang inilalaan para sa mga atletang isinasabak sa naturang kompetisyon.
Aniya, kung hindi paglalaanan ng pondo, hindi makakamit ng ating mga atleta ang tagumpay ng ating bansa sa Olympics.