Nanawagan ng karagdagang pondo para sa 2022 budget ang Department of Agriculture.
Ito’y makaraang tapyasan ang kanilang hirit na P231 bilyon na lumagpak na lamang sa P91 bilyon.
Ayon kay DA Secretary William Dar, mahalaga ang pondong hiling nila lalo’t apektado rin naman ng pandemya ang sektor ng agrikultura.
Nilinaw ni Dar na halos wala namang pinagbago ang alokasyon nila noong mga nakaraang taon sa ilalim ng national expenditure program na ipinasa sa kongreso.
Ito na anya sana ang halaga na pinaka-epektibo upang masuportahan ang mga naapektuhan ng pandemya.—sa panulat ni Drew Nacino