Nakahanap na nang pagkukunan ng dagdag na pondo para sa bakuna kontra polio.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy kukunin sa emergency fund ng DOH ang dagdag na P250-M na ilalaan ng house committee on appropriations para sa bakuna laban sa polio sa mga batang may edad lima pababa.
Kasabay nito umapela si Dy sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak at huwag makampante kahit pa itinuturing ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas bilang polio free.