Hihingi ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa cash assistance na ibinibigay sa mga manggagawang apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay labor Secretary Silvestre Bello III, halos 2-milyong manggagawang Pilipino ang inaaasahang maaapektuhan ng nasabing global health crisis.
Ipinabatid ni Bello na hanggang nitong April 5, nasa 180,000 manggagawa na ang nabigyan nila ng cash assistance.
Target aniya nilang matulungan hanggang April 14 ang 115,000 formal workers.
Bukod sa halos P580-million na kakailanganin para sa formal workers, sinabi ni Bello na halos P1-bilyon naman ang para sa iba pang informal workers.