Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na pondo para sa pagrerehistro sa mahigit 20 milyon pang katao sa national ID system sa susunod na taon.
Nagkakahalaga ng P3.52-B ang dagadag na pondong ilalaan para sa target na mahigit 20 milyong Pinoy na mairehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).
Inaprubahan ni Pangulong Duterte noong 2018 ang PhilSys Act na may layong gumawa ng isang opisyal na identification card para sa lahat ng citizen at foreign resident sa bansa.