Humihingi ang DOH ng dagdag na P1.23-B para sa Special Risk Allowance (SRA) ng health workers.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, naipalabas na nila ang P15. 1-B na halaga ng mga benepisyo para sa health workers tulad ng SRA, hazard pay, meal/accommodation/transportation allowance at life insurance.
Bukod dito, ipinabatid ni Duque na P882-M na halaga ng SRA ang naipalabas na rin sa ilalim ng batch 3 at inaasikaso na nila ang P6-M na SRA sa ilalim ng batch 4.