Tiwala si Health OIC Maria Rosario Vergeire na irerekonsider ng mga mambabatas ang kaltas sa pondo ng PGH o Philippine General Hospital sa susunod na taon.
Una nang kinaltasan ng 800 million pesos ang panukalang 2023 budget ng PGH.
Tiniyak ni Vergeire na tutulungan nila ang UP-PGH para makakuha ng dagdag na pondo sa susunod na taon.
Binigyang-diin ni Vergeire na premyadong ospital ang PGH na mayroong kumpleto at de kalidad na equipment at serbisyo kaya’t dapat lang na mabigyan ng dagdag na pondo.