Pabor ang Senate Committee on Finance sa panukala ni Senador Win Gatchalian na dagdagan ang pondo para sa pagpapatupad ng functional literacy, education, and mass media survey.
Nakasaad sa committee report ng senado sa panukalang 2024 national budget, makatatanggap ang Philippine Statistics Authority ng 208.97 million pesos para sa pagpapatupad ng FLEMMS.
Mas mataas ito ng 254.3 percent sa 58.9 million pesos sa ilalim ng National Expenditure Program at ng General Appropriations Bill.
Unang iminungkahi ni Senador Gatchalian ang paglalaan ng 160 million pesos para sa pagpapatupad ng FLEMMS sa susunod na taon.
Ang FLEMMS ay isang household-based survey na nagtitipon ng mga impormasyon hinggil sa basic at functional literacy rates, pati na educational skills qualifications.