Asahan na ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa mga source mula sa oil industry, maglalaro sa P1 hanggang P1.10 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang wala o hanggang singko sentimos sa diesel at kerosene.
Ito na ang magiging ika-anim na sunod na linggong magpapatupad ng price increase sa mga oil product bunsod ng paggalaw ng presyo sa international market.
Ngayong taon lamang ay P11.75 na ang nadagdag sa kada litro ng gasolina; P9.90 sa diesel habang P8.40 sa kerosene. —sa panulat ni Drew Nacino