Inihirit ng United Federation of Sugar Producers (UNIFED) sa gobyerno na taasan ang Suggested Retail Price (SRP) ng asukal.
Ito’y makaraang maapektuhan ng Bagyong Paeng ang libu-libong ektaryang tubuhan sa Visayas at upang makabawi ang sugar producers.
Ayon kay UNIFED president Manuel Lamata, hiling nila na itaas sa P85 hanggang P90 ang SRP ng kada kilo ng asukal mula sa kasalukuyang P70.
”increase so bale P85-P90 yung retail ang bagsak dito sa amin sa millgate price sa mga planter baka makuha namin yung P60.00, so, kung makuha namin yung P60.00 po pwede na, may fighting chance na kami to survive. Alam mo naman yung cost of production namin sobrang taas…patuloy pa yung assessment ng governor namin dito sa Negros. Kasi 3 probinsiya po yung natamaan, 3 isla e, yung Cebu, Tanay, at buong Negros…”
Bagaman tanggap naman anya nila kung hindi pagbibigyan ang kanilang hiling na dagdag-presyo, posible namang magkaroon epekto ang bagyo sa supply ng asukal sa susunod na taon.
”well wala naman tayong magawa kung hindi talaga kaya ng Gobyerno e pagtiyagaan natin, definitely changes, we will suffer loses baka hindi na tayo makatanim ng ganyan kalaki for next year siguradong bababa yung production natin kung ganon, kung wala ka na kikitain bakit ka pa magtatanim, huwag na hintay ka nalang..” si UNIFED President Manuel Lamata, sa panayam ng DWIZ.