Nagpatupad ng dagdag-presyo ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang liquified petroleum gas (LPG).
Ayon sa Petron itinaas nila ng P0.15 kada kilo ang presyo ng LPG simula ngayong alas-12:01 ng hatinggabi o katumbas na P1.65 para sa 11 kilogram LPG tank.
Sampung sentimos (P0.10) naman ang idinagdag sa kada litro ng auto-LPG ng Petron na.
Samantala alas-6 naman ngayong umaga ang dagdag na P0.13 sa presyo ng kada kilo ng LPG ng Solane o P1.43 sa isang tangke.
Ayon sa Department of Energy (DOE) sa buwan ng Hulyo ang presyo ng kada 11 kilogram na LPG tank sa Metro Manila ay naglalaro sa P539.00 hanggang P857.00.