Nagpatupad ng taas-presyo sa kanilang LPG o Liquifed Petroleum Gas ngayong unang araw ng tinaguriang ‘ber’ months.
Dalawang piso at pitumpu’t apat na sentimos (P2.74) ang idinagdag sa kada kilo ng LPG o katumbas ng tatlumpung piso at labing apat na sentimos (P30.14) sa bawat 11 kilong tangke nito.
Maliban dito, nagpatupad din ng karagdagang piso at limampu’t tatlong sentimos (P1.53) sa kada litro naman ng kanilang Auto LPG.
Sinasabing ang dagdag presyo na ito sa LPG ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.
By Jaymark Dagala