Nagpatupad na ng dagdag presyo sa LPG o Liquified Petroleum Gas ang ilang kumpanya ng langis epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw.
Batay sa abiso ng Petron, karagdagang P4.90 kada kilo o katumbas ng P53.90 sa kada labing isang (11) kilong tangke ng gasul at fiesta gas ang kanilang ipinatupad.
Habang P2.75 kada litro naman ang itinaas sa auto LPG na ginagamit ng ilang mga taxi.
Paliwanag ng Petron ang paggalaw sa presyo ng LPG ay bunsod ng pagtaas sa presyo ng pandaig-digang merkado.
Dahil dito, asahan na rin ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng LPG tulad ng Solane at Total.
Samantala, naka-amba naman ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo kung saan maglalaro mula trenta (30) hanggang kuwarenta (40) sentimo ang presyo kada litro ng diesel.
Habang bente (20) hanggang trenta (30) sentimos naman sa kada litro ng gasolina at singkwenta (50) hanggang sisienta (60) sentimos sa kada litro ng kerosene.