Matapos ang pitong linggong sunod-sunod na oil price rollback, asahan na bukas ang dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, posibleng umabot sa P2 hanggang P2. 20 sentimo ang magiging dagdag-singil sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Papalo naman sa .10 hanggang .30 sentimo ang maaaring madagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Sa pahayag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Assistant director Rodela Romero, ang diesel at kerosene ay maaaring tumaas ng mahigit P2 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring bahagyang tumaas ng higit o mas mababa sa .25 sentimo kada litro.
Ayon kay Romero, ang inaasahang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay maaari pa umanong magbago depende sa kalalabasan ng kalakalan sa world market.