May nakaambang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo makaraan ang big-time na price rollback noong nakaraang Martes.
Ayon sa source ng DWIZ mula sa industriya, tinatayang papalo sa P0.60
hanggang P0.70 bawat litro ang magiging umento sa halaga ng gasoline habang aabot naman sa P0.10 hanggang P0.15 ang price hike sa diesel.
Napag-alaman naman na maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa kerosene.
Ang panibagong price hikes ay sinasabing dahil sa paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.