Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang taasan ang Motor Vehicle Road Users Tax o mas kilala sa road users tax.
Layon ng house bill 6136 na amyendahan ang road users tax kung saan ang mga passenger cars na mayroong gross vehicle weight (GVW) na hanggang 1,600 kilograms ay magiging P2,080.00 sa 2020; P2,560.00 sa 2021 at P3,040.00 sa 2022.
Para naman sa mas mataas sa 2,300 kilograms, magiging P10,400.00 sa 2020; P12,800.00 sa 2021 at P15,200.00 sa 2022.
Kabilang din sa mga may pagbabago ay ang mga utility vehicles, sports car, bus, truck at trailers.
Sa oras na maging batas, inaasahan na kikita ang pamahalaan ng nasa P200-bilyon mula 2020 hanggang 2024.
Ilalaan ang malaking bahagi ng kita sa Public Utility Vehicle modernization program.