Nagkapit-bisig ang MPSTA o Manila Public School Teachers Association Incorporated at ACT o Alliance of Concerned Teachers para igiit ang dagdag sahod at benepisyo para sa mga guro.
Sinabi sa DWIZ ni MPSTA President Louie Zabala na iginigiit nila sa gobyerno ang pagtataas sa sahod ng public school teachers sa hanggang P25,000 pesos at hanggang P16,000 pesos naman para sa mga kawani.
K-12 program
Matigas ang ulo ng gobyerno.
Ito ang iginigiit sa DWIZ ni Benjie Valbuena, National Chairperson ng ACT o Alliance of Concerned Teachers kaugnay sa implementasyon ng K-12 program.
Sinabi ni Valbuena na dumami ang kumukontra sa nasabing programa dahil marami ang apektado nito.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)