Inihirit ng mga guro ang karagdagang sahod kasabay ng muling pagsirit ng inflation rate sa bansa.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua, dapat itong gawing prayoridad ng pamahalaan ngayong taon.
Makatatanggap lamang anya ang mga public school teacher 1, 2, at 3 ng net take home na 23,000 hanggang 27,000 pesos ngayong taon na malayo sa 33,000 family living wage batay sa government data.
Mababatid na noong Disyembre 2022, naitala ang 8.1% inflation rate sa bansa.
Ito ang pinakamataas na inflation mula noong November 2008 at mahigit doble rin ang inilaki kumpara sa 3.1% inflation rate noong December 2021. – sa panulat ni Hannah Oledan