Humirit ang labor group na Defend Jobs Philippines ng P100 dagdag sa daily minimum wage.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa petrolyo.
Kasabay ng pagtaas ng presyo sa petrolyo ay ang pagtaas din ng bilihin at pamasahe kung saan maraming manggagawa ang mahihirapan.
Ayon sa grupo, hindi makakasabay sa pagtaas ng bilihin ang sahod ng ilang manggagawa sa bansa.
Samantala, sa apat na sunod sunod na linggong oil price hike , umabot na sa higit apat na piso kada litro ang iminahal ng diesel at gasolina habang P3.50¢ na ang tinaas ng kerosene.
Paliwanag ng oil industry nabawasan ang imbentaryo ng langis sa Estados Unidos dahil sa nangyaring snow storm.— sa panulat ni Rashid Locsin