Epektibo na ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa Region 12 o Soccsksargen.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission, pumapalo na sa P311 ang bagong minimum wage para sa nonagriculture at P290 pesos naman sa agriculture sa South Cotabato, Cotabato City, North Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City.
Naaprubahan ang dagdag sahod noong April 26 subalit kailangan pang mailathala ito sa mga pahayagan bago ganap na maipatupad.