Naghain na ng panukalang batas si dating Pangulo at kasalukuyang 2nd District Pampanga Rep. Gloria Arroyo para sa dagdag-sahod ng mga Science at Math Teacher.
Nakasaad sa House Bill 487 o Developing Globally Competitive Science and Mathematics Teachers Act of 2022 na dapat itaas ang sweldo ng mga nasabing guro sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon kay Arroyo, titiyakin sa panukala na magiging kasing-competitive ang pagtuturo ng matematika at siyensya sa iba pang propesyon upang maengganyong magtrabaho ang mas maraming teacher at manatili sa kanilang propesyon.
Layunin din ng bill na mahikayat ang mga mag-aaral na kumuha ng mga kursong Mathematics at Science. —sa panulat ni Jenn Patrolla