Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aprubado na rin ang umento sa arawang sahod sa mga Minimum-wage workers sa Eastern Visayas Region.
Ito ay matapos ilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) VIII ang Wage Order No. RBVIII-22.
Sa nasabing kautusan, magkakaroon na ng P50 na dagdag sa arawang sahod na ipapatupad sa dalawang bahagi.
Ang unang P25 ay isasagawa sa oras na ipatupad na ang wage order at panibagong P25 naman pagdating ng Enero 2, 2023.
Sa oras na buong maipatupad ang wage tranches, makakatanggap ng P375 na arawang sahod ang mga maggagawa sa non-agriculture sector, retail at service establishments na may 11 manggagawa pataas.
Habang P345 ang magiging arawang sahod ng mga maggagawa sa agriculture sector, cottage at handicraft gayundin ang retail at service establishments na may sampung manggagawa pababa.
Samantala , epektibo ang nasabing wage order labinlimang (15) araw simula nang i-publish ito sa mga dyaryo sa kanilang rehiyon.